ISABELLA. SINIKAP niyang iwasan si RC ll, hindi dahil naging sunod sunuran siya dito. Kundi lang para kay Brianna na napalapit ng husto sa kanyang puso. Baka pinatikim niya na itong lalaking ‘to na saksakan ng suplado. Sabagay sa unang pagkikita pa lamang nila noon ay ganito na sila. Bakit parang hindi pa rin siya masanay. O baka naman meron siyang ini-expect mula sa binata? Na iling siya sa mga walang kwentang bagay na pumapasok sa kanyang isipan. Kailangan mag-focus siya sa sakit ni Brianna. Sapagkat ang dugo nito ay hindi na norma. At ang puso nito ay humihina rin. Kaya maya’t maya ay kanyang sinusuri. Kasalukuyan niyang nilalagay ang bagong dextrose nito ng marinig ang boses ng ginang. “Huwag mong pagurin ang sarili mo, Hija. Magpahinga ka na muna dahil halos buong gabi kang gising