RC ll. HINDI ko inaasahan na may kasama si Isabella ng dumating at nang sabihin nito sa isang teenager na baka pinsan siya nito. Bigla siyang nakaramdam ng pagkapahiya kaya agad na tinikom ang bibig. "Bakit pala kayo naririto at kasama ni Dra. Lewis. At totoo ba na kamag-anak kita kagaya ng narinig ko kanina?" "Hindi, pero pinsan ko ang triplets na sina Snow, Summer at Winter. Kakambal ni Daddy si Uncle Kennedy." “I see, at itong dalawang kasama mo sino naman sila?" "Hindi ko sila kilala, meron mga lalaking kumidnap sa akin at niligtas kami ni Doktora." "W-Wait, hindi ko kayo naiintindihan, anong ibig n'yong sabihin na niligtas kayo ni Dra. Lewis?" "Doon sa gasoline station, dumaan doon ang sinakyan namin at nag-load. Pagkatapos nakita namin ang isang Hummer. Sinubukan ko lang idik