CARL POV. WALA akong idea kung sino ang mga taong kaharap ko sa mahabang dining table. Basta ang alam ko lang ay parents ang mga ito ni Ma’am Angelic. At ang karamihan sa mga naroon ay kasambahay nasaan naman kaya ang triplets? Nang mga unang pagkakataon na nakaharap ko ang tatlong yon ay wala lang sa akin. Pero magmula ng malaman ko sa mga kaibigan ko na sila ang dahilan. Kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon ay unti-unting nakaramdam ako ng galit sa mga iyon. Ganon pa man ay kailangan kong sikilin sa aking sarili alang-alang sa aking amo. Nang sa gano’n ay magagawa ko ang aking totoong hangarin. Hindi man bumalik ang aking alaala pero kagaya ng pangako ko sa aking sarili. Babawiin ko ang babaeng mahal ko at ipagpapatuloy kung anuman ang dating meron kami. Hinding hindi na ako papayag