NICA POV. GALIT ang una kong naramdaman ng makita ang tattoo ni Carl, sa kanyang leeg. Dahil hanggang ngayon ay sariwa pa sa aking alaala. Ang araw na tumirik sa daan ang sasakyan namin ni Manong Albert. Kaya napilitan akong sumakay ng taxi. Hindi ko makakalimutan ang markang yon. Ang lalaking pinag-alayan ko ng aking dangal. Gano’n pa man may parti ng isipan ko ang umaasam ng kanyang paliwanag. Subalit ayon sa reaksyon ng binata ay wala itong natatandaan. “Ma’am Angelic, gusto mo ba dalhin kita sa clinic?” nakikita ko ang sobrang pag-alaala niya sa akin pero sa halip ay hindi ko siya pinansin. Sumandal ako sa sofa kung saan niya ako inalalayan makaupo. Pagkatapos ay pumikit upang balikan ang alaala ng gabing nilasap namin pareho ang sarap ng isang gabing ligaya. Napa dilat din agad ako