CARL POV. HINDI lang backpack ang dinala ko ng bumalik ako sa resort ni Ma’am Angelic. Dalawang maleta dahil final na ang desisyon ko na doon manirahan. Kahit hindi pa alam ng ng boss ko ay sumigi pa rin ako. Sigurado akong magugulat siya kapag nakita niya ako lalo na ang mga dala kong gamit. Ang tanging hiling ko lang ay wala doon ang triplets upang walang sagabal. Sapagkat habang nagtatrabaho ako ay sisimulan ko na rin ang panliligaw sa aking boss. At kahit wala akong alaala sa mga past naming dalawa. Gagawin ko ang lahat upang maibalik siya sa piling ko. “Ano ang mga ito, Mr. Carl, dahil wala akong natatandaan na muli akong nag-hire sayo? Ang huling sinabi ko sayo ay bumalik ka upang tapusin ang isang buwan. Pero hindi ko sinabi na bumalik ka dito upang maging permanente na trabahador