ISABELLA MAGMULA ng mangyari ang pagtatangka na dukutin siya ni Walter. Pansamantala ay sa penthouse ni RC ll, siya nakatira. Naka leave din siya ng ilang buwan dahil nagkaroon na yata siya ng trauma. Mabuti at pinayagan siya kahit maraming pasyente ang naghahanap sa kanya. Ilang gabi na ang lumipas mula ng huling nagkita sila ni RC ll. At nakakaramdam na siya ng pagkainip gusto na niyang lumabas. Ngunit natatakot naman siyang makita siya ni Wlater. Nakarinig siya ng ingay mula sa kanyang cellphone. Kaya dali daling dinampot iyon. Nasa linya si RC ll, at hindi na siya nito hinintay na makapagsalita. “Maghanda ka at ipapasundo kita riyan, kailangan ka ng aking anak.” Akmang magtatanong siya ng mawala na ito sa linya. Kaya tumayo na at nagbihis mabuti tapos na rin siyang maligo. Napapaisi