RC ll. KANINA pa siya kunukulit ni Brianna na puntahan daw namin ang kanyang tita doktora ganda. Kaya heto at patungo kaming ospital ngayon. Ang hindi niya sigurado ay kung aabutan nila ito. At sana ay ma-timing na walang pasyente si Dra. Isabella. Sa totoo lang ayaw sana niya pero hindi naman matiis ang anak kung bakit biglang gusto nitong makita si Doktora. Ayaw niyang maging obvious siya dito dahil mas lalo siya nitong iiwasan. Mas mabuting hayaan lang niya na ganito sila. Iyong minsan lang nagkikita upang malaman din niya ang kanyang totoong niloloob. Ano ba talaga ang tunay na nararamdaman niya para sa dalaga? “Dad, can i visit my mother’s tomb?” hindi agad siya nakapag-react sa tanong na yon ni Brianna. At paano niya sasabihin dito na hindi niya alam kung saan ito nakalibing. “….