CARL POV. ALAM kong galit si Ma’am Angelic sa ginawa kong pagpasok sa kanyang cabin. Dahil sinamantala ko din ang pagkakataon. Wala akong maisip kaysa palabasin niya ako ay dumiretso na lamang sa loob ng kanyang banyo. Alam kong galaiti siya sa galit pero wala akong alam na paraan upang manatili pa kaming magkasama. Ayaw ko pang matapos ang araw na ito ng ganon lang. I want to be with her, kahit lagi siyang nakasigaw sa akin. Kaya ng matapos akong maligo ay ginamit ko ang towel niya na naroon. Naghanda ako ng malapad na ngiti at syempre bilis ng mata. Sapagkat siguradong babatuhin niya ako gamit ng kahit anong bagay na kanyang madadampot. Ngunit nakaramdam ako ng pagkadismaya ng makalabas ay wala na pala ito doon. Pero syempre hindi pa rin ako aalis at hihintayin ko siyang bumalik. Bin