NICA POV. WALANG patid ang pagpatak ng aking luha sa ginawang yon ni Carl. Kagaya noon bakit mas pinili na naman nito ang kamatayan? Marami namang ibang paraan upang magawa niya akong iligtas. Pero mas pinaniwalaan pa nito ang babaeng yon. Alam naman nito na kamatayan ang naghihintay dito sa ilalim ng tubig. Sobrang sakit bakit sa pangalawang pagkakataon ay nawala na naman siya sa buhay ko. “Princess, tama na ang pag-iyak. Walang nakitang katawan ni Carl sa ilalim ng tubig. Isa pa CIA ang lalaking yon kaya alam niya ang dapat gawin.” “Paano niya malalaman ay may amnesia siya?” “Kahit hindi siya nakakaalala, naniniwala akong magagawa niyang iligtas ang kanyang sarili.” “Sinasabi mo lang yon sa akin upang kumalma ako, Kuya Luke. Kahit ang totoo ay baka kinain na ang katawan niya ng mg

