NICA POV. ANG buong akala ko ay sa semento ako babagsak. Kaya napapikit na lamang ako at hinintay ang sakit na mararamdaman. Subalit hindi nangyari, dahil may mga bisig na sumalo sa akin. Pagmulat ko ay nasa ibabaw ako ni Carl. Hindi ako nakagalaw at tila na magnet ng magsalubong ang aming mga mata. Gano’n din ang pagkakadagan ko sa kanyang katawan. Nagbibigay iyon ng kakaibang sarap ng pakiramdam. At ang init ay mabilis na gumapang sa himaymay ng aking kalamnan. Hindi ko na rin namamalayan ang pagtatagisan ng aming labi. Ngunit agad rin akong napadilat nang makarinig ng mahabang ungol. At nanlalaki ang aking mga mata nang napagtanto kung ano ang ginagawa naming dalawa. Kaya sa halip na bumangon mula sa pagkakadagan dito ay malakas ko itong sinampal. “Bastos ka mapagsamantala!” sabay