RAVEN POV. WALA akong nagawa ng sabihin ni Kuya Rowen, kailangan kong bumalik ng Manila dahil sa kalagayan ni Mama. Kaya ang mga kaibigan ko ay naiwan sa norte. Pagdating ko sa mansion ay pinuntahan ko ang aking ina sa silid nito. Tulog pa siya kaya hindi ko muna inabala upang makapag pahinga ng mabuti. Tumuloy ako sa aking silid at tinawagan ko si Angelic. Naroon ito sa studio kasama ang nobya ng kaibigan kong si Isaac. Miss ko na agad ang mahal ko kaya pagkahiga ko ay sinabi kong mag video call kaming dalawa. Gusto kong makita nag kanyang kabuuan. "Kumusta ang baby ko?" "Busy ako buong araw, dito kami nag-stay sa studio dahil nagpaturo mag pinta ang nobya ni Mr. Alegre." "Mabuti naman pala at nalilibang siya diyan, baka hindi agad siya masundo ng kaibigan ko. May mahalaga silang mi