NICA POV. NAKASANDAL ako sa likuran ng pinto habang nakikinig ng usapan mula sa loob ng library. “Anak sigurado ka bang wala na sa peligro ang buhay ng kapatid mo at ni Raven?" “Konting panahon na lamang Dad, kaya humihingi pa ako ng kahit isang buwan ma-delay muna ang kanilang kasal. Ngayon na wala na ang spy ng taong pumatay sa kanyang ama. Nakakasiguro akong mawawala na ang panganib sa buhay nilang dalawa. At mananatili na rin ang kaligtasan ni Chaus.” “Bilisan nyo at baka maunahan kayo?” “Nag-usap na kami ni Uncle Brent, alam na rin ni Rowen. At kumukuha na lamang kaming lahat ng timing. Ang pakiusap ko lamang ay huwag ninyong hayaan na lumabas ng mansion si Princess. Ngayon na ibinulgar ni Christopher ang buong katotohanan. Siguradong isa sa mga araw na ito ay tatawag ng back up