RC ll. ILANG araw na ang lumipas magmula ng mangyari ang gabing yon sa kanila ni Dra. Isabella. At gusto niyang kausapin ito ngunit umiwas na sa kanya. Everytime din ay nasa tabi nito si Dr. Alliman. At kahit nanggagalaiti siya sa galit ay wala naman siyang magawa. Mahalaga ang anak kumpara sa kahit anong bagay. Lalo na ngayon ilang araw na lang at ooperahan na ito. “Anak, lakasan mo ang iyong loob. Maraming cancer patient na naka-survive kaya huwag kang matatakot o panghihinaan ng loob. Basta naririto lamang kami ay nagdadasal para sa iyong kaligtasan.” “Hindi po daddy ko, kasi nakahanda naman po ako sa anumang mangyayari. Ang iniisip ko ay ikaw daddy ko, si Lolo at Lola. Ayaw kong makitang malungkot kayo.” “Kaya nga hindi ka dapat sumuko anak dahil marami kaming naghihintay sayo.”