PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA 13
Mabilis na nagbihis si Vivienn nang magising siya. Hindi na siya naligo pa dahil malelate na siya sa tagpuan ng mga racers. Tinawagan niya sina Bernard at Webster upang dalhin sa kanya ang kanyang motorcycle na pangkarera.
Agad siyang bumaba nang marinig niya ang busina. Nagmamadali siyang bumaba. Napatigil siya nang makita ang kanyang mommy na nakatingin sa kanya.
"Anak, bakit nandirito ang motorcycle mo?" Naguguluhang tanong ni Donya Marilou.
"I have a race," maikling sagot niya.
"Anak, hindi ba may phobia ka na sa ganyan?" Nag-aalalang tugon ng Donya.
"Noon iyun, hindi na ngayon." Malamig na sagot ng dalaga.
"Pero, anak magagalit na naman ang Daddy mo!" Wika ng kanyang mommy.
Tiningnan niya ito.
"Are you dreaming?" Paangal na tanong niya sa kanyang ina.
Hindi nakaimik ang Donya at malungkot na tumingin sa anak. Nagpaalam na si Vivienn at nagmamadaling lumabas ng mansiyon. Nakita niyang naghihintay sina Bernard sa labas ng gate. Kinawayan niya ang mga ito at ngumiti siya.
Agad niyang sinenyasan ang dalawang guwardiya na pagbuksan siya. Tumalima ang dalawa at binuksan ang gate.
"Kanina pa ba kayo?" Tanong niya sa mga ito nang makalapit siya.
"Nope. Kararating lang namin," sagot ni Jemarie.
"Did you rest well, Queen?" Tanong naman ni Carlie.
Pinandilatan ni Vivienn ito.
"Baka may makarinig sayo bruha!" Paanas na sabi niya sa dalaga.
Napahagikhik ang dalawang dalaga. Napatawa naman sina Bernard at Webster.
"Okay, idol here's your key" ani ni Bernard sa kanya.
Maluwang ang kanyang ngiti na inabot ang susi ng kanyang motorcycle. Nilapitan niya ang kanyang nangingintab sa pula na motor. Pinagmasdan niya ito at hinaplos. Lumingon siya kay Bernard tinanguan siya nito.
Dating kulay pink iyun subalit magmula ang isang trahedya ay pinapalitan niya iyun ng ibang kulay. Sinakyan nia iyun saka isinuot ang kanyang pulang helmet. Terno ang lahat, mula sa kanyang suot hanggang sa kanyang sapatos. Pulang-pula ang reyna ng mga karera. Isinagad niya iyung pinaugong hanggang sa umusok.
Napailing ang kanyang mga kaibigan at nagkatinginan.
Ilang saglit pa animo isang mabilis na pana ang dalaga sa pagsibad niya.
"Whoa! Ang bilis niya!" Bulalas ni Webster.
"Ang lupit!" Bulalas din ni Bernard.
Sumakay sila sa kanilang sasakyan at sinundan si Vivienn. Papadilim na kaya magandang magpaharurot ng sasakyan.
Samantalang balisa at naiinip na ang mga naghihintay sa karera. Maingay ang paligid at may kanya-kanyang agenda at inumin. Dito rin makikita ang mga naglalandiang magkapareha. Napapangiwi si Ken sa mga nakikita at naaamoy. Kinalabit niya si Lexus. Tumingin naman si Lexus sa kanya.
"Bakit?" Bulong ng binata.
"Bakit ang tagal ni Queen?" Nababagot na tanong ni Ken.
"Maghintay ka! Paparating na daw siya!" Bulong ulit ni Lexus kay Ken.
Lumapit sa kanila ang kaibigan nilang si Dave.
"So, kanino tayo pupusta?" Tanong ni Dave sa kanila.
Nagkatinginan ang magpinsan.
"Sino ba ang makakalaban ni Queen?" Tanong naman ni Lexus.
"Isang stranger, galing sa probinsiya but champion doon," sagot ni Dave.
Nag-isip si Lexus.
"Kay Queen pa rin ako!" Maya-maya ay tugon ni Lexus.
Ngumiti si Dave at nag-thumbs up.
"Good luck! May phobia kasi si Queen sa motorcycle, kaya marami ang nag-aalinlangan." Wika ng binata.
Sasagot pa sana si Lexus nang marinig ang pagdating ng isang pulang motorcycle. Naghiyawan ang lahat at biglang mas umingay ang paligid. Parang sumikdo ang puso ni Lexus pagkakita kay Queen. Lalo na nang bumaba ito sa kanyang motorcycle at naglakad.
Parang pamilyar sa kanya ang paraan ng paglakad ni Queen. Hindi niya lang matiyak ngunit pamilyar nga ito kahit ang mahaba nitong buhok na nakapusod. Nakita niyang lumapit ito sa kanyang contender na bago at nakipagkamay.
Natigilan si Vivienn nang maglapat ang mga kamay nila ng kanyang contender. Lalo na nang tumitig siya sa mga nito. Pamilyar ang mga matang iyun na kailanman ay hindi niya makakalimutan. Kumurap-kurap siya at muli niya itong tinitigan. Magsasalita sana siya pero nagsarado na ito ng helmet.
"Ladies and gentlemen! Tonight we will witnessed the competition between the Queen and the Stranger." Tinig ni Cecile sa mikropono.
Tumahimik ang lahat.
Kapwa naman pumunta sina Vivienn at ang stranghero sa kanilang kanya-kanyang motorcycle. Naghanda sila sa signal na puwede na silang magkarerahan.
"We will begin in one, two, three!" Wika pa rin ni Cecile at pagkatapos nu'n ay pumutok ang flare gun.
Mabilis na nagpatakbo ang dalawa. Nagsasalitan at nag-uunahan. Napakabilis nila na halos hindi mo makita nang masinsinan ang mga shot nila. Bigkang kumambiyo ang stranger at mabilis sumibad. Napangis si Vivienn at pinabayaan niya itong makalayo. Diniinan niya ang kanyang faster button at parang kidlat na sumibad siya.
"Ohhhh! Wow!" Bulalas ng mga naroon.
Nakita nilang parang si Flash sa pagsibad ng kanilang Queen. Natetense naman si Lexus sa pagsusubaybay kay Queen. Bakit apektado siya at nag-alala para kay Queen of the racing?
Samantalang, kanina pa nagdududa si Vivienn sa bawat teknik na ginagawa ng stranger. Halos magkapareho sila at naalala niya kung kaninong teknik iyun. Kinakabahan siya na 'di niya mawari. Tinatanong niya sa kanyang isipan kung sino ang stranger na iyun? Pinaglalaruan ba siya ng kanyang sariling mata at isipan?