PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA CHAPTER FOURTEEN

871 Words
PINAGTAGPO PERO DI TINADHANA 14 Kahit naku-curious si Vivienn sa katauhan ng stranger na kalaban niya ay mas pinagbuti niya ang pagmanahe. Pinagewang-gewang ni Vivienn ang kanyang motorcycle. Itinodo niya ang full button ng kanyang hidden faster button. Lumangitngit ang kanyang gulong. Lumiko ang kanyang motorcycle at sumayad nang kaunti ang kanyang gear sa pagtagilid niya. Dahilan upang mapigil ang mga hininga ng mga nanonood. Akala mo matutumba si Queen pero swabe ang pagtagilid nito at ang pagsayad niya. Nakita ni Vivienn na gumaya ang stranger sa ginawa niya. Kaya mas lalo siyang kinutuban. Kaya bigla niyang pinatalon ang kanyang motorcycle at umikot siya sa ere. Luwa ang mga mata ng mga nanonood. "Whooooo!" Hiyaw nila. "Anong ginagawa ni Quenn?" Tanong ni Ken kay Lexus. "Parang hindi kompetisyon ang pinahihiwatig ni Queen kundi patagisan na," sagot ni Lexus. Pansamantalang huminto sina Vivienn at ang stranger. Magkatabi sila at handa nang bumalik sa starting line. Nagkatinginan sila. Habang mahigpit ang hawak nila sa kani-kanilang manubela. Ilang segundo lang ay sumibad na muli sila. Tila kidlat na naghahabulan na tanging mga kislap ng kanilang ilaw ang nakikita. Atat na ang lahat kung sino ang mananalo. Naiisip ni Lexus na wala nang phobia ang Queen sa motorcycle. Dahil maangas ito at cool lang. Isang dipa nalang ang layo ng dalawa sa starting line. Sabay ang mga ito na sumibad pa nang mas mabilis. Tumahimik ang lahat. Nakahinto na ang dalawa sa starting line. Halos hindi kumurap si Lexus sa pagkakatingin kay Queen. Kabadong-kabado talaga siya. Kahit siya ay nagtataka kung bakit ganu'n na lamang ang kanyang pag-aalala sa Queen. Hindi naman niya ito kilala lalo na sa mukha. Ipinagbabawal daw kasi ni Queen. Lumapit si Cecile kina Vivienn at masusing sinipat kung sino ang nauna. Sinenyasan ang kumukuha ng video, agad iyung lumapit. Kahit ang limang head ng racing na iyun ay lumapit kay Cecile at muling pinanood ang video. "Sino kaya ang nanalo?" Tanong ni Dennis sa kanila. "Mukhang parehas sila ah!" Bulalas ni Ken. Tahimik lang si Lexus. Nakita nilang kinuha ni Cecile ang mikropono at pumagitna. "Nasasabik na ba kayo!" Hiyaw ni Cecile. "Oo!" Sigaw din ng lahat. "Well, the long wait is over! The winner is, still the Queen!" Muling hiyaw ni Cecile sa kanila. Napalundag si Ken sa sayang nadarama. Kailangan niya talaga ngayon ang pera. Umusal siya ng piping pasasalamat. Habang si Lexus ay nakatanga lang na nakatitig kay Queen. "Hoy! Nanalo tayo!" Masayang wika ni Ken saka tinapik ang balikat ng kanyang pinsan. Noon pa lamang natauhan si Lexus. Pinilit niyang nginitian si Ken. "Alam ko, hindi ako bingi!" Tugon niya sa binata. "Sus! Kunwari ka pa, masama na yata ang tama mo kay Queen." Kantiyaw ni Ken dito. "Tumigil ka!" Singhal ni Lexus sa pinsan. "Paano na si bulkan niyan?" Patuloy ni Ken. "Ugok!" Sagot ni Lexus saka binatukan ang pinsan. Bumaba naman si Vivienn sa kanyang motorcycle. Lumapit siya sa stranger para magkamayan sila. "Congrats!" Wika ng stranger. Natigilan ang dalaga dahil pati boses nito ay pamilyar. Napapikit siya. Pagmulat niya ay nakaabang na ang palad ng stranger. Inabot niya iyun at nagkamayan sila. Muli siyang nakaramdam nang kakaiba. "Thank you!" Sagot niya kapagkuwan. Yumuko ang stranger tanda nang paggalang nito sa kanya bilang babae. Lumawit ang kwintas ng stranger sa dibdib nito kaya nakita iyun ni Vivienn. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita iyun. Ang kwintas na iyun na kaparehong-kapareho ng kanyang kwintas. Kinapa niya ang kanyang kwintas at hinawakan iyun. Tumalikod na ang stranger sa kanya at muling sumakay sa motorcycle nito. "Wait!" Pigil ng dalaga sa lalaki. Huminto ang stranger at tumingin sa kanya. "Who are you?" Tanong ni Vivienn dahil iyun lamang ang lumabas sa kanyang bibig. "I am your competitor, wala ng iba." Malamig na sagot ng lalaki. "Ang kwintas, saan mo nakuha iyan?" Muling tanong niya, gusto niyang magtanong nang marami rito. "My father gave me this as a gift," sagot muli ng stranger. "Please, tell me the truth, sino ka?" Tanong ni Vivienn na may halong pagsusumamo. "I am your competitor, no one else hope to see you soon." Tugon ng lalaki. Pagkasabi ng stranger ay sumibad na ito. Gusto sanang sundan ito ni Vivienn subalit pinigilan siya ni Cecile. "He's asking for rematch! Prepare yourself." Nakangising wika ng kanyang pinsan. Tiningnan niya ito. "My answer is yes! I want to know about him," seryosong sagot niya. "So, napansin mo ring there is something familiar about him." Turan ni Cecile. "Yeah, i want to find it," sagot niya. "Well ang good!" Masayang tuvon ni Cecile. Muling nagsalita si Cecile sa mikropono. "Hey folks! Glad to remind you that there is a rematch." Sabi ng dalaga. Naghiyawan ang lahat na tila masayang- masaya ang mga ito. Yun lang at kumaway na si Cecile at sumenyas ng bumalik na ang lahat. Sumakay na rin si Vivienn saka bumusina ng malakas. Muling naghiyawan ang lahat at masayang pinanood ang papalayong si Queen. "Tara na rin guys! Panalo kayo, talo ako." Nakatawang sabi ni Dennis kina Lexus at Ken. Tumango ang dalawa at sumakay na sila sa kotse ni Dennis. Sunud-sunod ang lahat sa pag-alis. Kanya-kanya ng tinatahak na direksiyon pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD