"Andrew?" "Hi, good morning." matamis na ngiti ang bumugad sa'kin nang buksan ko ang pinto. Napansin ko ang ang hawak niyang bouquet na rosas. Niluwagan ko ang bukas ng pinto. " Come in." sambit ko. "Happy valentines day, flowers for you." sabay abot niya sa'kin ng bulaklak. Ang lapad ng ngiti ko nang tanggapin ko ang bulalak niya pagkatapos ay inamoy ko ito. "Thank you." sagot ko sa kanya. Pumasok siya sa loob ng condo ko. Ako naman ay dumiretso ng kuwarto para magpalit ng damit. Nagising lang kasi ako nang tawagan niya ako sa cellphone at sabihin niyang nasa labas siya. Kahit hilamos ay hindi ko nagawa sa pagmamadali. Naligo at nagtotoothbrush muna ako bago nagpalit ng damit pagkatapos ay bumalik ako sa sala upang puntahan siya ngunit wala na siya sa sofa. Tinawag ko ang si And