"Thanks, God, I'm safe." bulong ko nang makarating ako ng ligtas sa parking area ng building na pinagtitirikan ng aking biniling condo. Sobrang antok na antok na kasi ako dahil pinilit tapusin ang pictorial para hindi na kami babalik pa. Last pictorial na iyon at tapos na rin ang contract ko sa kanila. Nahirapan akong magdrive ng mabilis dahil inaantok ako kaya kapag nararamdaman kong inaantok ako ay humihinto ako para umidlip ng kaunti. Nagmadali ako sa paglalakad para makarating agad sa condo. Sumakay ako ng elevator para mabilis na makarating. "Anong ginawa mo rito?" nakataas ang kilay kong tanong kay Franco. Pagbukas ko ng pinto ng condo ko ay nakita ko siya sa loob. Nakasuot pa siya ng apron at may hawak na sandok. "Good morning." Nakangiti niyang bati sa'kin. Nakahalukipkip ang