Maaga akong nagising upang puntahan si Fatima sa kanyang condo. May gusto kasi akong ipakita sa kanya ngayong araw kaya naman nang magising ako ay agad kong ginawa ang skin care ko. Nang lumabas ako ng kuwarto ay bitbit ko mga chocolates na binili ko para kay Fatima. "Franco, saan ang lakad mo?" tanong sa'kin ni Daddy nang abutan ko siya sa sala at nagbabasa ng diyaryo. Huminto ako sa harapan niya. "Dadalawin ko po si Fatima." "Bumalik ka agad para magkaroon tayo ng bonding ng pinsan mo na si Dash." sabi ni Daddy. "Si Dash po?" paniniguro ko. Bahagyang umangat ang kilay ko sa sinabi ni Daddy. Tumango si Daddy. "Nasa biyahe na siya ngayon." Natigilan ako. Nagkaroon na ng lamat ang pagiging close namin ni Dash dahil kay Fatima. Hindi ko kasi siya pinapayagan na ligawan si Fatima da