CHAPTER 46

2080 Words

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo na 'yan?" Hindi napigilan itanong ni Mel sa'kin nang dalawin niya ako sa condo unit ko. Isa-isa kong nilabas ang mga gamit na daldalhin ko papunta sa bahay ni Franco. Huminga ng malalim si Mel. "Hindi ko na maintindihan ang gusto mong mangyari sa buhay mo pabago-bago ka ng desisyon. Ano ba talaga ang gusto mo?" "Gusto kong maghiganti." Sagot. "Hindi ka naman naghihiganti sa kanya tinutulak mo lang ang sarili mo na mahulog sa kanya. Aminin mo na sa sarili mo na mahal mo siya para matapos na ang problema mo." "Hindi ko siya mahal." sagot ko. "Hindi mo siya mahal pero bakit pumayag kang magsama kayong dalawa. Hindi mo ba alam na baka mabuntis ka kapag magkasama na kayo sa iisang bahay?" Tumahimik ako. Alam kong posibleng mangyari 'yon. Bigla kong naal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD