Mukha ni Franco ang nabungaran ko nang magising ako. Nakangiti siya sa'kin at hinahaplos niya ang aking buhok. Ang isang kamay niya ay hinahalikan naman ang kaliwang kamay ko. Mabilis kong sinipat ang paligid ko. Napansin ko ang nurse sa tagiliran. "Bakit ako nasa hospital?" bigla akong kinabahan dahil sa kung anong masamang sakit na dumapo sa'kin. Ang natatandaan ko ay sumuka ako nang sumuka at pagkatapos ay nawalan ng malay. "What happened to me?" halos pabulong kong tanong kay Franco. Tila nais ko ibulong na lang din niya ang magiging sagot niya sa'kin. Hinalikan niya ako sa labi at nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya bigla akong kinabahan. "Franco…" Tuluyan ng tumulo ang luha ni Franco. Kahit wala siyang sinabi sa'kin ay napaluha na rin ako. Mas lalo akong kinabahan sa