WEDDING day, hindi maampat ang luha ni Trisha. At kahit pigilan niya ay patuloy iyon sa pagdaloy sa kanyang pisngi. “Ngayon ka pa ba mag-iiyak?” wika ng bestfriend niyang si Emerald. “Kaya nga friend, nasisira ang make-up mo.” segunda naman ni Arthur, habang sinisikap na ayusin ang kanyang mukha. “Masaya lang ako, akala ko hindi na ito darating sa buhay namin.” “Ganun talaga, maraming pagsubok sa buhay natin kaya dapat handa ka sa ano pa mang darating na problema. Tingnan mo ako, noon down na down ako dahil inakala kong katapusan na ng career ko ang malaking scandal na nangyari sa buhay ko. Pero dahil nariyan kayong mga kaibigan ko ay nagawa kong bumangon. Kaya hindi dapat sinusukuan ang problema, dumadaan lang iyon sa atin at mawawala din. Kaya kapit lang lagi, lalo na ngayon na may k