MAGMULA ng araw na kinuha ni Dave, ang mga anak sa puder ni Trisha, iyon din ang huling araw na nagkita sila nito. Ilang buwan na rin ang lumipas, hanggang tuluyan ng nawalan sila ng kontak sa isa’t-isa. “Go to your Tito Ivann, talk to him. Iyon na lang ang tanging paraan at huling alas mo.” “Alam niyo naman na galit sa akin iyon at hindi na yata mawawala kailanman.” “Wala kang magagawa ikaw ang nagkasala anak, kaya ikaw ang dapat magpakumbaba. Hindi ba at sinasabi ko na sayo ito noon pero hindi mo ginawa dahil ang katwiran mo ay galit sayo si Ivann.” “Kaya nga po tapos ito na naman paano kung hindi pa rin niya ako tanggapin?” “Tatanungin kita kaya mo bang mawala si Trisha sa buhay niyo ng mga anak mo?” “Hindi po.” “Kung ganun, gawin mo ang lahat upang mapatawad ka ng ama niya. Ibal