DALAWANG chopper ang namataan ni Dave, umiikot iyon sa kalawakan. “Boss Dave, sa palagay ko ay Montemayor chopper ang dalawang yon. Malamang na padala ng iyong Dad.” Sa narinig ay napanatag siya, subalit apat na speed boat ang humahabol sa kanila. At masyadong mabailis ang takbo ng mga ito. Siguradong aabutan sila at pag nagkataon ay wala silang ligtas. “Huwag kayong mag panic, hindi sila makakalapit sa atin.” Narinig niya ang boses ni Anton, habang nagda-dial. At hindi nagtagal ay may kausap na ito sa linya. “Big Boss, huwag ho kayong mag-alala at ligtas sila. Naririto na ang ipinadala nyo na dalawang rescue, naghihintay lang sila ng order mula sa inyo…. Yes, Big Boss ipapaalam ko agad sa inyo.” “Anton, sinong kausap mo?” nang makitang isinara na nito ang hawak na gadget. “Si Big