TAHIMIK na nakamasid si Dave sa kanyang mag-iina. Kahit minsan hindi niya naisip na may pagkakataon pa pala upang mabuo ang pamilya niya. Ang panganay niyang si Charles at kakambal nitong si Princess Chariz, ay asikasong asikaso ang ina ng mga ito. Ang bunso na si Jayden Mark, may pagka tahimik ngunit masasalamin ang kabaitan nito. Sobrang close din ito sa kuya nito, at lihim siyang nagpapasalamat sa Diyos. Sapagkat kahit wala siya sa tabi ng mga anak ay naging maayos ang mga ito. Hindi rin siya kinamuhian isa man ng mga anak bagkus ay pinadama sa kanya ang pagmamahal. At habang nakatitig siya sa asawa ay hindi niya mapigilan ang mapaluha. Ang sakripisyo, pagtitiis, hirap at pasakit na dinanas dahil sa mga ginanawa niya. Para sa kanya ay walang makakapantay dito na kahit sino. “Dad! Halik