NASASAKTAN si Trisha, para sa mga anak. Inaasahan ng mga ito na darating ang ama sa mahalagang araw na iyon. Ngunit hindi man lang nagpakita, siguro bumalik na ng bansang Pilipinas. Kahit hindi nagsasalita ang dalawang bata ay makikita ang kalungkutan sa mukha ng mga ito. “Umaasa ka pa rin sa lalaking ‘yon? Dapat ngayon pa lang ay mag-isip-isip ka anak. Masasaktan lang kayo kung patuloy na aasa sa kanya. Montemayor, ang lalaking ‘yon at ganun talaga sila. Easy lang sa kanila ang lahat.” Hindi siya sumagot dahil totoo ang sinasabi ng kanyang daddy. Bilyonaryo ang ama ng mga anak niya at siya ay kagaya lang ng mga babaeng ordinaryo. Sinong nakakaalam na sa kanyang lang ito may anak. Isa pa napakaraming magagandang babae na ka level ng isang Dave Montemayor. At sa ginawa niyang pagpapakulon