PAGBUKAS ng pinto ay nakatayo doon si Dave Montemayor, kasama ang dalawang lalaki na sa tingin niya ay mga bodyguard nito. “Mahal, hindi mo ba kami papasukin?” “Hindi! Bakit ka naririto?” “Anong klaseng tanong ‘yan syempre naririto kayo ng mga anak natin at miss ko na kayong apat kaya bumisita ako.” “Umalis ka na Dave, alam mo naman siguro kung anong ginawa mo.” “Wala akong alam mahal, ano ba ang sinasabi mo? Kaya papasukin mo kami at saka mo sabihin sa akin kung ano ang nagawa kong mali.” “Nagmamaang maangan ka pa…. Ugh…” Hindi niya bibigyan ng pagkakataon na magsalita pa ng kung ano-ano si Trisha. At ang halik ay mas pinalalim pa niya, binitawan lang niya ito ng halos pareho na silang nauubusan ng hangin. Subalit malakas siyang itinulak nito at dahil hindi ready ay nabitawan niya i