ILANG araw na siya sa isla at sa bawat oras ay gusto niyang kapiling ang mga anak. Sa tuwina ay gumagawa rin siya ng paraan upang hindi makalapit sa kanya si Dave. “Mga anak, diyan muna kayo at pupunta lang ako sa talipapa.” “Hindi kami maaaring sumama Mommy?” “Hindi anak at malayo iyon, naglalakad lang ako kaya dito lang kayo. Hindi naman ako magtatagal at babalik din, may gusto ba kayong ipabili?” “Wala naman po, gusto lang namin ay may kasama ka.” “Ayos lang ako mga anak, mas mabuti na doon muna kayo sa playroom at maglaro na lamang kayong tatlo.” “Sige po Mommy, tawagin mo kami pag dumating ka na po ha?” “Yes, anak.” Dala ang basket ay nilakad niya ang dalampasigan ngunit habang palayo siya sa resorts at palapit naman sa pupuntahan. Hindi maiwasang maalala ang mga pinagdaanan n