PAGKAGULAT, iyon ang rumihistro sa mukha ni Dave, nang mapagbuksan ng pinto ang kanyang ama at ama ni Trisha. Paanong naroroon ang mga ito nang hindi man lang niya narinig ang chopper na sinakyan ng mga ito. At bakit magkasama na dumating ang dalawa samantalang sa pagkakaalam niya ay hindi nag-uusapa ang dalawa. Kaya agad na lumingon siya at huling huli niya ang mabilis na ginawang pagyuko ng ulo ni Trisha. Kumuyom ang kamao niya sa inis, siguradong nagsumbong ang babaeng ito sa ama niya at ama nito. “Anong ginawa mo Dave? Hindi ka talaga nakikinig!” “Bakit po kayo naririto, at paano nyo nalaman na kasama ko sila dito? Nagsumbong ba si Trisha, sa inyo?” sa halip ay tanong din ang sinagot niya sa kanyang ama. “Hindi! Oo!” sabay pang sagot ni Lance at Ivann.” “Kahit hindi mo aminin Dad,