HINILA niya ang babae sa labas at dinala sa dalampasigan. “Enough!” sigaw ni Dave, sa kasamang babae masyado na itong lumampas sa limitasyon ng usapan nila. Dahil sa pananakit niya sa damdamin ni Trisha, ay hinayaan niya na mag labas pasok ito sa kanyang resorts. Ngunit ngayon ay tila hindi na apektado si Trisha, sa ginagawa niya at ito siya ngayon parang tanga na naiwang nag-iisa. Ang buong akala niya ay mahal siya nito at mas pipiliin manirahan kasama nila ng mga anak. Ngunit sa halip ay mas lalo na siyang nawalan, dahil pati mga anak ay wala na rin sa tabi niya. Masyado na ba siyang naging unfair? Hindi niya matanggap na nasagasaan ang kanyang ego dahil sa ginawang pagtalikod ni Trisha at nagpakasal ito sa iba? Oh baka naman talagang hindi siya nito minahal kaya balewala na siya dito?