SA bahay ng mga Briones, kasalukuyang nasa garden ang mag-asawa, habang umiinom ng kape. Na miss nila ang lugar na ‘yon, ganito sila noong maliit pa lamang ang kanilang anak na si Trisha. “Sweetheart, huwag mong masyadong isipin ang anak natin. Hindi magtatagal ay mahahanap din natin sila. Magaling ang mga taong inutusan ni Pareng Lance.” “Paano kung may ginawa silang masama sa anak natin, ayaw kong isipin pero ‘yon ang nararamdaman ko.” “Hindi naman siguro pababayaan ng Diyos, ang ating prinsesa.” “Sana nga… “Mawalang galang na ho sa inyong mag-asawa, may nagpapa bigay ho nito sa inyo. Kagabi pa ito kaya lang maaga kayong nagpahinga kaya ngayon ko lang naibigay, pasensya na ho.” “Ayos lang guard at salamat.” Nang makaalis ang guwardiya ay agad na binuksan ni Ivann, ang maliit na bo