GALAITI sa galit si Emerald, ang opportunity ay nasayang sa kanilang dalawa ng kaibigan dahil sa kagagawan ni Dave Montemayor, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap. Nadagdagan pa ang galit niya nang malaman sa kapatid na kaya na-hold siya sa immigration, dahil din sa kagagawan ng lalaking ‘yon. Kaya naman ay ora-orada niyang tinawagan ang parents ng kaibigan at sinabi sa mga iyon ang mga nalalaman. Maliban sa nangyari sa kaibigan doon sa isla, hindi niya sinabi dahil masyadong maselan ang bagay na ‘yon. “Sis, kalimutan mo na sana ang mga maling nagawa ng kaibigan ko. Siguro nadala lang iyon ng takot na maaaring mawala sa kanya ang kaibigan mo.” “Hindi tama ang ginawa ng lalaking 'yon, hindi porke’t bilyonaryo siya ay magagawa ang bawat naisin niya. Sa totoo lang kating kati na