KAHIT gusto nang bumalik ng Holland ni Trisha, hindi siya makaalis dahil ang passport ng mga bata ay hawak ni Dave. “Hanggang kailan mo itatago ang mga dokumento ng mga bata? Alalahanin mo hindi tayo kasal at maaari kitang kasuhan ng kidnaping. Unang una, maliit pa ang mga bata at dapat nasa pangangalaga ng ina ang ganyang edad.” “Then go ahead, sanay na naman akong makulong basta hindi ko sila ibibigay. Kung gusto mong umalis ay iwanan mo sila dito. Malaya kayong magsama ng lalaking ipinalit mo sa akin pero ang mga bata mananatili sila sa puder ko.” at nagmamadaling umalis. Nawalan na siya ng ganang mag breakfast. “Boss Dave, hindi ka na ba kakain?” “Sa opisina na lang, let’s go!” “Sayang naman ang niluto ni Ms. Trisha, mukhang masarap pa naman.” “Niluto? Siya ang nagluto ng breakfa