CASINO VIP ROOM. Nakatayo ang magkaibigan sa magkabilang gilid ng table. Ang sabi ng boss nila na kapatid ng kaibigan ay nasa labas na ang mga players. “Sistah, kinakabahan ako.” “Ano ka ba, hayaan mo ang mga sugarol na 'yon basta ang isipin natin ay trabaho lang ito, for fun na rin at isa pa malaki ang sahod.” malapad pang ngiti ng kaibigan. Nang bumukas ang pintuan, pumasok ang anim na players kaya humanda siya sa mga dapat gawin. Subalit ng mamukhaan ang pinakahuling player ay parang gusto niyang tumakbo at umalis. Nagulat pa siya ng may lalaking humawak sa kamay niya at nang lumingon ay mukha ng nakangiting boss. “Relax, hindi nangangain ng tao ang mga kaibigan ko. Sila ang mga taong pinakiusapan ko upang masubukan kayong dalawa for last evaluation.” “Sorry, Boss.” apologetic niy