HINDI mapalagay si Trisha, at hindi rin naman siya iniwan ng kanyang boss. Ito namang si Dave Montemayor, talagang walang balak na bumangon sa pagkakahiga. “Bakit hindi ka pa bumalik sa VIP room, pareng Bruno, ako na ang magbabantay sa staff mo?” “Hindi na, maya maya lang ay magiging maayos na rin siya.” “Teka lang hindi ba siya nangangati sa maskara na suot niya? Narito ka na sa opisina ng boss mo maaari mo na iyang alisin, ‘di ba pare?” “H-Hindi na dahil babalik na rin ako sa baba, boss ayos na ang pakiramdam ko mauna na ako sa inyo ng kaibigan mo.” “Okay, sige.” “Humn… dumating lang ako biglang umayos na ang pakiramdam ng ‘yong staff. Magsabi ka nga ng totoo pare, girl friend mo ba ang babaeng ‘yon?” “Paano kung sabihin ko sayo na yes, she is my fiance. Kaya off limit siya sa ka