MILAN… “Magsabi ka ng totoo sistah, sinong lalaki ang sinasabi mong kasama mo kaya bigla kang nawala noong araw na ‘yon?” “Hugo Clemente, hindi ko alam kung siya ang may pakana ng nangyari sa pagbagsak ng career nating dalawa. Pero alam kong may taong kasabwat siya at gaya ng sinabi ko sayo sa phone baka si Dave Montemayor, 'yon.” “Paano mo nasabi iyon, i mean may pruweba ka ba?” “Nakita ko ang konting conversation sa cellphone niya kung paanong nagsara ang modeling agency. Ngunit hindi ko nabasa lahat dahil naka lock screen iyon.” “Saan ka dinala ng lalaking ‘yon, natatandaan mo ba ang lugar?” Hindi, pero na search ko ang name niya at dito lang din sa Milan, ang isa sa mansion Clemente. Not sure kung siya nga talaga iyon o maaaring kapangalan lang kasi napakayaman niya sistah. Kung