INVESTIGATIONS result ang inabot sa kanya ni Erwin, habang si Jurrell, ay tahimik na nakatayo sa gilid ng wall sa mismong opisina niya. “F*ck! Totoo ba ang resulta na ito?” halos magtatalon siya sa sobrang tuwa. “Iyan ang binigay ni Detective, ibigay ko raw sayo dahil mawawala siya ng isang buwan.” “Tawagan mo siya ngayon din! At ikaw Jurrell, tawagan mo ang piloto dahil lilipad tayo mamayang gabi.” “Copy, Boss Dave.” Siya naman ay tinawagan sa intercom ang kanyang secretary. “Sir Dave?” “Wala kang tatanggapin na kahit anong appointment sa buong isang linggo. Kahit tawag wala din dahil ayaw ko ng isturbo?” “Masusunod po Sir Dave.” “Good!” "Boss Dave, narito sa linya si Detective, kausapin mo na." Agad na inabot niya ang cell phone ni Erwin, "sigurado ka sa result na binigay mo s