SINIKAP kalimutan ni Trisha ang tungkol sa pagkamatay ang anak niya. Muli niyang tinanggap ang alok ng bagong modeling agency at sa tulong ni Arthur Molave, ay mabilis siyang nakabalik sa dating kinalalagyan. “Congratulations, wala ka pa rin talagang kupas, parang wala lang nangyari sa buhay mo at walang maniniwala na may mga anak ka na.” “Dahil iyon sa tulong na galing sayo, napakadami ko ng utang sayo.” “Wala iyon, give and take lang naman, darling.” “By the way, anong result ng interview ni Emerald, nakapasa ba ang kaibigan ko?” “Pass, pero ibang category siya, at baka hindi mo makasama.” “Okay lang 'yon, ang mahalaga ay naibalik na rin ang career niya.” "Dahil iyon sa taglay ninyong talento." A week later naglalakad si Trisha sa kalagitnaan ng mga tao sa isang beach. Katatapos