Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto para puntahan si Alton sa kanila pero bago ko pa magawa ‘yon ay s’ya na agad ang bumungad sa akin paglabas ko ng kwarto ko. Nakaprenteng nakaupo s’ya sa maliit na sofa sa may living area ko habang hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at busy s’ya sa pagtingin dito. Hindi nga n’ya napansin na nakalabas na ako ng kwarto ko kasi busy s’ya sa cellphone n’ya sa hindi ko malaman na dahilan. Kanina ko pa s’ya pinagmamasdan sa ginagawa n’ya at wala talaga s’yang ideya na nakatingin ako sa kanya kanina pa. Bigla tuloy akong na curious kung may girlfriend ba s’ya o wala, simula ng nakilala ko kasi s’ya wala pa akong nakikitang kasama n’yang babae saka isang linggo na rin akong nandito pero wala pa akong nakikitang babae na pumupunta di