Ang dami talagang pwedeng itanong pero ‘yon pa ang naisip ko dahil tinanong n’ya ako kung may boyfriend na ako, wala naman kasi talaga akong boyfriend. Kaibigan nga wala ako tapos boyfriend pa. Nakakatawa ngang isipin na ilang taon na ako pero wala pa talaga akong kahit anong experience sa pag-ibig. Hindi naman ksi ‘yon ang priority ko dahil mas mahalaga sa akin ang sasabihin ni daddy at mommy kesa sa sarili kong kaligayahan. Sa sobrang higpit nila hindi na sumagi sa isip ko ang magmahal pa tapos bigla na lang nila akong ipapakasal kay Jaxon ng ganon kabilis. Nabalik ang tingin ko kay Alton dahil hindi pa s’ya sumasagot sa tanong ko sa kanya at wala naman na akong magagawa para palitan pa ang tanong ko sa kanya kaya papanindigan ko na lang kung ano ang itinanong ko sa kanya pero hindi ka