Kabanata 67 - Anastasia Olivia POV

1576 Words

Nanatili lang akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko habang ang daming tumatakbo sa isipian ko. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat sa dami ng laman ng isip ko ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at ipinikit ang mga mata ko. Gusto ko ng matulog para makapagpahinga na ako pero hindi ko magawa ‘yon dahil madami pang bumabagabag sa isipan ko sa totoo lang. Hindi ko kasi alam kung saan ako lulugar ngayon dahil alam kong hindi habang buhay ay maitatago ko sa kanila kung sino ba ako at hindi rin habang buhay ay makakapagtago ako sa mga magulang ko. Hindi naman nawawala sa isipan ko na baka isang araw ay nakatayo na pala sila sa harap ng bahay na ‘to at ibinabalik ako sa Maynila para pakasalan si Jaxon. Tama ung sinabi ni Alton kanina na hindi solusyon ang pagtakas sa problema para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD