Maaga akong nagising dahil na rin sa magaan ang naging pakiramdam ko kagabi kaya naman ng oras na magising ako ay inayos ko na ang sarili ko dahil aalis kami ni Alton ngayon. He needs to fulfill his promise to me na babawi s’ya sa lahat ng pagpapahirap n’ya sa akin. Gusto kong malibot ang Ilocos kahit na hindi buong Ilocos dahil alam ko naman na imposibleng malibot namin ‘yon dahil malaki ‘to, okay na ako sa kung saan lugar ako dadalin ni Alton basta makakakuha ako ng mga litrato na gusto ko, ito lang naman ang libangan ko at gusto kong gawin na hindi ko magawa sa noong nasa Maynila ako dahil busy ako sa trabaho ko. Hanggang d’yan na lang, ayoko ng pahabain pa dahil madrama na masyado at paulit-ulit na lang din naman na kaya hindi ko na iisipin ‘yon. Masaya na ako sa buhay ko ngayon tulad