Nanlaki ang mata ko sa sumunod na ginawa ni Alton at hindi ko inaasahan na gagawi n’ya ‘to sa akin. Pilit kong binabawi sa kanya ang kamay ko pero tiningnan n’ya lang ako at umiling s’ya. Namumula na ngayon ang mukha ko at hindi ko alam kung anong dapat gawin, gustuhin ko man na bawiin ang kamay ko sa kanya pero hindi ko magawa. Pulang pula talaga ang mukha ko ngayon dahil hindi ko naman akalain na ididikit n’ya sa mga labi n’ya ang darili kong nahiwa para sipsipin ang dugo ‘don. “Alton tigilan mo na ‘yan,” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga s’ya at itinapat ulit sa gripo ang daliri ko. “I just need to do that to stop the bleeding,” sabi n’ya sa akin at kumuha ng band aid sa medical box sa gilid saka ‘yon inilagay sa sugat ko. “Hindi mo naman kailangan na gawin ‘yon, ako na lang