Ilang oras din kaming nanatili ni Luis dito at wala kaming ginawa kung hindi ang mag usap lang na dalawa sa mga dapat kong gawin sa buhay ko pero ang hirap namin gawin ng mga sinasabi n’ya. Wala rin naman pumapasok sa isip ko sa lahat ng sinabi n’ya dahil nakapa-imposible naman ng mga ‘yon. Hindi madali ang gustong mangyari ni Luis. Paano ko bubuksan ang puso ko kay Alton kung ang dami kong problema? Hindi naman pwedeng basta ko na lang talikuran ‘yon, si Alton na nga mismo ang nagsabi sa akin noon na hindi ko dapat tinatakbuhan ang problema ko. Sa oras kasi na bumalik ako ng Maynila alam kong hindi na ako makakabalik pa dito ng hindi ako nakakasal kay Jaxon at paano naman ‘tong puso ko na si Alton ang laman. Hindi naman pwedeng takbuhan namin parehas ang problema ko dahil may problema r