Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Alton ngayon sa totoo lang. Bigla na lang n’ya akong hinila pahiga dito sa kama habang nakaunan ako sa mga braso n’ya. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din s’ya sa akin at sobrang bilis ng t***k ng puso ko, ayoko ng ganito kaya naman nag iwas ako ng tingin sa kanya. “Alton may aayusin pa ako kaya kung wala kang magawa wag ako ang bwisitin mo,” sabi ko sa kanya at inirapan s’ya. Akmang tatayo na ako ng bigla n’ya akong hilahin pabalik at nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari. Hindi ako makagalawa sa pwesto ko ngayon at para bang tumigil ang mundo ko sa kung anong nangyayari. Dapat ay itinutulak ko na s’ya ngayon pero kesa gawin ko ‘yon ay nanatiling nasa gilid lang ang mga kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng makarinig ako ng pagkatok g