Two weeks had passed at sa loob ng dalawang linggo na ‘yon parang isang oras lang ang lumipas sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko maipaliwanag kung paano at saan nagsimula ang lahat pero ngayon kami na ni Alton but not officially. Hindi naman porket sinabi ko kay Alton na gusto ko rin s’ya noong nasa bakasyon kami ay naging kami na agad. Nilinaw muna namin sa isa’t-isa ang nararamdaman namin ngayon, ayoko na pumasok kami parehas sa isang relasyon na hindi namin pinag-iisipan parehas pero alam na namin na mahal namin ang isa’t-isa. “Ate kausapin mo na si kuya please lang,” sabi ni Arron sa akin paglabas ko ng bahay. “Ano na naman bang ginawa mo sa kuya mo?” tanong ko sa kanya. Noong isang araw kasi nagalit sa kanya si Alton dahil sa kalokohan na naman na ginawa nitong ni Arro