Hindi mawala ang ngiti sa mga labi namin ni Alton ng sabihin namin sa kanila na kami na. Masaya kaming dalawa at sobrang gaan ng pakiramdam ko kasi ngayon nagawa ko na ang gusto ko, nahayaan ko na ang sarili ko na sundin ‘tong puso ko. Wala naman tumutol sa kanila ng sabihin namin ‘yon pag-uwi namin at ang ginawa pa nga nila ay kinantyawan kami. Umalis lang daw kami tapos pagbalik namin ay kami na agad kaya napailing na lang kami ni Alton sa kalokohan nilang lahat. Mabuti nga at maagang natulog ang mga ‘yon ngayon dahil napag-usapan din kanina na mag sand dunes kami para bago man lang daw sila bumalik ng Maynila ay may extreme activity silang nagawa. Hindi ko pa alam kung kelan nila balak bumalik ng Maynila pero ang sabi ni Alton sa akin ay baka raw umalis sina Luis sa isang linggo pero de