Nang makarating kami sa bahay ay sa kusina ako dumiretso para uminom ng tubig ng biglang tumabi sa akin si Arron habang umiinom ako kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay dahil nakatingin lang s’ya sa akin. Ayan na naman s’ya sa mga tingin n’ya na ‘yan, kanina pa si Arron sa bukid sa totoo lang. Inubos ko muna ang iniinom kong tubig at inilagay ‘yon sa lababo saka ako humarap ulit sa kanya. Hindi kasi s’ya umaalis sa tabi ko kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay. Kanina pa ako hindi tinitigilan ni Arron sa totoo lang at hindi ko alam kung anong dahilan n’ya at ako ang naisip n’yang pagtripan ngayon. Nahawa na ata ‘to sa kapatid n’ya na mahilig inisin ako. “Anong kailangan mo sa akin Arron?” tanong ko sa kanya. “Anong tingin mo ate kay Carissa?” tanong n’ya sa akin. Hindi ko inaasahan na itat