Wala kaming inaasahan na kahit na sinong bisita saka wala naman pupunta dito sa bukid ng ganitong tanghali na at saka hindi s’ya mukhang magtatanim dahil sa itsura ng suot n’ya. Mukha naman din na kilala s’ya nina nanay Lourdes dahil nagulat lang sila sa pagsigaw nito at hindi sila katulad ko na nagtataka kung sino ngayon ang babaeng nasa harapan namin. I really have no idea who she is and what is she doing here at this time. Tanghaling tapat saka sa suot n’ya hindi s’ya dapat pumunta dito, bukid ‘to hindi fashion show. Hindi ko alam kung bakit hindi maganda agad ang unang impression ko sa kanya, ayoko na lang kumibo dahil hindi ko naman s’ya lubos na kilala at saka ayoko rin na magsalita ng tapos tungkol sa kanya. Sabi ko nga hidni ko pa s’ya lubos na kilala at ito pa lang ang unang beses