Magkakaharap kami ngayong lahat dito sa loob ng bahay at wala akong pakielam kung sobrang gulo ng bahay ngayon dahil sa mga nasirang gamit ang importante lang sa akin ngayon ay malaman ko kung nasana si Anastasia. “Ano bang ginagawa mo dito dad?” tanong ni Arron sa ama namin. “I came here para tingnan kayo ng kuya mo dahil matagal ko na s’yang kinukulit na bumalik kayo ng Maynila dahil madaming kailangan gawin sa negosyo natin pero ‘yang kapatid mo hindi nakikinig sa akin,” sabi ni Dad kay Arron. “Kung ganon ikaw ang may gawa nito dad?” tanong ni Arron sa kanya. “Hindi! Kahit pa na gusto kong bumalik na kayo ng Maynila para asikasuhin ang negosyo natin hindi ko gagawin ang bagay na ‘to at wala rin akong balak na gumawa ng bagay na alam kong ikakagalit ng kuya mo. Kilala n’yo ako at