Kabanata 97 - Anastasia Olivia POV

1342 Words

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi sa kakaiyak ko. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak lang ng umiyak dahil sa mga sinabi ni ate sa akin at sa pangungulila sa pamilya ko sa Ilocos. Gusto kong bumalik ‘don pero hindi ko alam kung paano dahil nakakulong ako sa bahay na ‘to. Kahit na sinabi na ni dad sa akin na kailangan ko ng bumalik sa kompanya hindi pa rin ako kumikilos hanggang ngayon. Si ate naman na ang ipinalit n’ya sa akin kaya ano pa bang silbi para bumalik ako ‘don. “Ma’am Olivia nasa baba po si Sir Jaxon at hinahanap po kayo,” sabi sa akin ng kasambahay namin. Simula ng dumating ako rito hindi ko na nakita pa si manang at ang sabi nila ay pinalayas daw ito ni mommy dahil sa akin. Isa pa ‘yon sa ikinasasama ng loob ko dahil wala naman kinalaman dito si manang pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD